Only great minds can understand the unstructured thoughts of the uncertain. Poor minds are those who conclude without understanding.
Pagod nakong mabuhay...
Grabe na tong stress na to hindi na normal. Magtatarabaho ka sa gabi, mag-aaral ka naman sa araw.
Nagbibiro nga naman ang nag-pataw sakin ng ganitong klaseng buhay. Sino ba kasing nagsabing kaya ko to? Parang gago tong sarili ko, kung ano ano pinag-iiisip, pinapasok ang gantong buhay. Yan tuloy! Hirap na hirap na ko!
Matatag daw ako. Matapang sa buhay. Meron pang isang nagalit nung narinig akong umiiyak. Sabi ko naman, Matatag lang ako. Hindi ako bato. Naku naman! Anong kala nya sakin! Cyborg ba ko? Sugod lang ng sugod. Hindi nasasaktan? Hindi napapagod. Hindi ba nya gets? Kailangan ko rin ng tulog?!?!?!? Ng pahinga... Ng paggamot...
Minsan naiisip ko, sana naging Oso nalang ako. Makapag-hibernate naman. Tapos, sige!!!! Laban uli.... Pero hindi ganito..... Hindi naman tuloy tuloy.... Sa boxing nga may intervals ang mga rounds. Oras muna para tumingin sa mga seksing babae... Sana may ganon din sa tunay na buhay. Sana may babaeng kekendeng-kendeng habang nagpapahinga ka....
Haaay, ang buhay. Parang maala-ala mo kaya... ang drama. Akala ko nga sa TV lang ngyayari yung ganon. Putek! Nakalimutan ko, pangarap ko nga pala maging artista. Kaya eto napala ko ngayon. Hindi nga ako artista, pero para namang telenovela buhay ko... Peste. Sana naman, merong sumigaw ng "CUT!" para makapag-pahinga naman muna...
Minsan, pangarap kong maging bata nalang uli... Para lahat ng tanong kaya kong sagutin ng walang pag-aalinlangan. Nang lahat ng bagay sa buhay pwede kong ipaliwanag sa pamamagitan ng papel at Crayola. Nang minsan muli, maranasan ko yung hindi ko kailangang maging tama, hindi ko kailangan matakot sa pagkakamali, dahil, sa kabilang banda... Bata ako. Patatawarin ng mundo kahit ano pang kamalian ko...
Nakakapagod nang sikaping gawin ang tama, para lang sabihin sayo ng mali pa rin ito... Nakakapagod din pala tlga mabuhay... Sana sa totoong buhay, pati ang puso at isip pwede mong lagyan ng Salompas para mawala ang sakit...
Sana, sana
WRITTEN BY A FRIEND CON-CON